MASUKAL NA KAGUBATAN…(matinik na lipunan)

(ikaw ba ay papatianod sa sistemang nakakalunod?)

tugon na punto por punto sa kathang,  Kinang ng Kalikasan, Masukal na Kagubatan:  http://25pesocupnoodles.wordpress.com/2012/03/03/kinang-ng-kalikasan-o-masukal-na-kagubatan-ikalawang-bahagi/#comment-935

“tila ikaw ay nasa isang malawak na kagubatan na para bang ikaw ay mabubuhay ng hinde kinakailangang magbanat ng buto at magbungkal ng lupa”

Tunay ngang sa kagubatan ay ay napakaginhawa, oras ay tumatakbo kahit wala kang ginawa…
Makakapamitas ng prutas, kailan man naisin, makakapamasyal nang walang pipigil…
Maaring huwag magmadali, may bukas pa naman… maaring huwag kumilos… biyaya ay dumarating sa tamang panahon…
Dahil sa ganitong pag-iisip, mga tagapangalaga ay napapagod…napapagod magpahinga.. kung kaya’t kwentuhan tungkol sa buhay ng iba ang kanilang naging libangan…di matapos tapos ang huntahan….
Kalaunan, mga nilalang na kinain na ng katamaran, naroon na lamang sa ilalim ng puno, nakanganga, sa bunga na hinog, ito ay nakatingalang nag-aabang…

“Parang ikaw ay nasa paraisong hinde kayang pagmalupitan ng hagupit ng kalikasan. Marahil sa matatandang punongkahoy hinubog na ng tadhana, na may mga ugat na tila bumaon na sa kailaliman at hinde na kailanman matitibag, maging sa paglipas ng panahon.”

Paraisong huwad. Makulay kung ikaw ay tagalabas. Ngunit sa iyong pag pasok sa gubat… doon sa kaloob looban nito, iyong makikita…”mga nilalang na pagala gala” na naglilipana… ung iba nangangagat… ung iba nambabato, ung iba nanghahabol, ung iba nanghihila… depende sa kanilang nais gawin dahil nga wala silang magawa….

Ang matatandang kahoy na hinubog na ng tadhana, di na gagalaw, mananatili na lamang sa lugal na kung saan sila ay inugatan…marahil, nariyan na, kumportable na o hiyang na… jan na lang, wag nang galawin… dumating man ang unos, sumilong ka kung gusto mo ngunit ang ikaw ay anyayahan, hindi ito magbibigay…

“Pansin mo rin ang mga bagong sibol na paunti-unting hinuhubog upang maging tagapangalaga ng kagubatan sa mga susunod na henerasyon. ”

Napakagandang masdan ang mga bagong sibol sa kanilang unang pagdating sa kagubatan…mistulang mga batang gustong maglaro, masigasig, nakangiti, lahat binabati…
Natutuwa sa kinang ng kalikasang namamasdan, parang ang pakiramdan, napakaswerte niyang nilalang….
Ngunit kalaunan, sa kanilang patuloy na pagmamasid, makikitang ang gubat pala ay may itinatagong lihim.. lihim na kung nais mong manatili, iyo na lamang sarilinin…
may mga bagong sibol na mahina.. magpapatiaanod sa kagustuhan ng gubat… ang mangilan ngilan, sa simula, susubukang ang lihim na natuklasan ay tatangkaing ayusin… ngunit sa kadahilanang ang leon at tigre ay makapangyarihan… sa isang matinding pag-angil na nakalabas ang pangil, ito ay magnanais na lamang na tumalikod…

Hindi sila naduduwag… bagkus… sila ay nag-isip… hindi mo na mababali ang isang matandang kawayan… kahit anong tangka, kahit anong pagsisikap, ang kagubatan ay mananatiling kagubatan… hmmmm isang kalungkutan…dahil ang mga bagong sibol na ganito mag-isip ay siya sanang may magaan na kamay, busilak na puso at may sapat na dunong upang mapaglinang ang kalikasang unti unting nagbabago…

ISANG PANGHIHINAYANG….KINANG NG KALIKASAN AY NABABAWASAN…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 21, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 3 Comments.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: