In lab ka ba? malamang sa alamang!

Minsan ang kasunduan ay nagsisimula bilang salitang kapwa nauunawaan lamang,
Hiwalay ang tibok ng puso sa sinasabi ng isipan,

Kalaunan, ito ay unti unting natatabunan ng matatamis na palitan,

Palitang nakakaaliw, nakakapagbigay ningning sa buhay na mistulang simbahan,
..kung saan ilaw ay hindi kasing liwanag ng araw, sa katahimikan ay maririnig ang bawat galaw…

Kaya ang kinalabasan… pagbali ng kautusan…

“Bawal ma-inlab” ba ikamo?

Hindi na nakikinig ang puso sa mga panuntunang inilatag…
Ang “bawal” ay hindi na “bawal” kung dalawa na ang nagkasundo…

Ngunit, datapwat, subalit, hindi rin naman ito nagiging kasalanan…
Pagkat kung ang isip ay nadidiktahan, ang puso ay hindi,
…mananatili itong may sariling kalayaan…
…hindi ito maigagapos, ito ay kakawala ng tuluyan…

Sa katanungang “Inlab ka ba?”…
… malamang sa alamang na “oo” ang kasagutan…

Sa katanungang “inlab ka rin ba?”…
…tanging puso mo lamang ang nakakaalam…

Puna sa kathang http://25pesocupnoodles.wordpress.com/2012/04/02/pag-aalinlangan-in-lab-ka-ba-talaga   ^_^

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 13, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 13 Comments.

  1. oo inlab ka honey!! :-p

  2. theworshipwarriorbride

    ang tamis! hihihihi

  3. Ang “bawal” ay hindi na “bawal” kung dalawa na ang nagkasundo…
    HAHAHA. Bigla akong umagree dito aa. Siguro nga hindi bawal yun kung napagkasunduan naming dalawa.. Pero hindi eh. Bawal parin kasi ano.. basta bawal! HAHA SALAMAT sa POST mo🙂

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: