Katahimikang nakakapag-alala…

Narinig ang tinig ng pagdaing,
Mahina, wari’y naglalambing,
Wala ang dating sigla at ningning,
Tulong ay hinihiling…

Katahimikan…

Kinabahan, okay ka lang?
Hindi ka ba nakulam o nabarang?
Bakit bigla naman ang iyong karamdaman?
Kape lang ba ang iyong hapunan?

Katahimikan…

Hayaan na lamang ilapat ang katawan sa higaan,
Hayaang yakapin ng mahigpit ang unan,
Baka sakaling sakit ay malimot…
Sa pagbalot nitong mabangong kumot…

Katahimikan…

Mahimbing na ang iyong tulog…
Sa umaga, ipaghahanda kita ng lugaw at itlog,
Sa iyong paggising, ang aking dasal irog,
Lakas at saya ay manumbalik, papasyal tayo sa ilog…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 7, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 12 Comments.

  1. natutuwa ako sa iyong katha, isang paglalambing at pag-aaruga.

  2. theworshipwarriorbride

    hihihi…nakakakilig nga…😉

    ikaw na talaga…

    • hmmmm…. kilig ba warrior?

      “Kilig”

      Kadalasang nararamdaman sa simula ng isang suyuan…

      Ang tanong…. hanggang kailan?

      Ang sagot… hangga’t apple of the eye nyo ang isa’t isa

      • theworshipwarriorbride

        tomo! parang may apple of the eye ka ngayon ah…sigurado ako hindi na yan yung elementary classmate mong mahilig sa yellow (patawarin niya nawa ako kapag nabasa niya ‘to sa anumang pagkakataon) hehehe

      • hmmmmm, naku hindi yung classmate kong nakayellow nung elementary na ngayon ay mas sexy pa sa akin! No way!… mas maganda kung huhulaan mo… mas masaya, game na warrior!

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: