Aasa ba o hahakbang na?

Tama na sa mundo , “No man is an island”…
Kailangan mo ang tulong ng ibang tao upang makasurvive…
Hindi kinakailangang lahat ay iasa sa iba,
Tanggapin lamang na ikaw ay may mga bagay na di kayang gawin ng iba na ang kagalingan at kasanayan sa paggawa nito ay taglay mo…
Ngunit may mga bagay na kaya ng iba at ang kagalingan at kasanayan sa paggawa nito ay taglay nila…wala sa iyo…
Tanggaping ang kahinaan, tingnan ang sariling kalakasan, humingi ng “tulong”, huwag “umasa”…

Sa kabilang banda, tama ding, “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”…
Kailangan mong kumilos upang ang nais ay makamit…
Kung tayo ay mag-aantay lamang, ang bayabas na inaantay na bumagsak (habang tayo ay nakangangang nag-aabang) ay babagsak nga…
Ngunit ang sarap dahil sa tamang kahinugan ay lumipas na…
Mas malamang sa alamang na ang babagsak ay bulok at puro uod na…
Magkakaroon ng matinding panghihinayang bakit hindi na lang tumayo at ito ay pinitas habang nasa kasarapan at manibalang pa…

Tumayo at humakbang, pitasin ang para sa iyo…
Iwanan ang para sa iba…

Tugon sa kathang: http://25pesocupnoodles.wordpress.com/2012/06/08/ipatawag-ang-manghihilot-call-a-masseur/

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 7, 2012, in FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 5 Comments.

  1. maraming salamat paru-parong marikit, isa na namang pagbibigay diin sa aking katha. nagbibigay karagdagang kulay at pakahulugan.

  2. theworshipwarriorbride

    “Tanggaping ang kahinaan, tingnan ang sariling kalakasan”

    –hindi tayo super hero pero ‘wag naman tayong mag-astang inutil…

    ang lalim🙂

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: