original version: ISIGAW, ISATITIK …BIGYANG LAYA ANG TINIG NI JUAN DE LA CRUZ

“Tinig ay pakinggan, gaano man kalakas o kahina, galing man sa baga o sa tinta… ito ay mula sa pag-iisa ng puso at isipan.”

Si Juan de la Cruz ay nakamasid…minsa’y naiinis, minsa’y nakangiti…
Sa mga kabulukang sumisingaw at sa mga magagandang pangyayari…
Napagtanto, ating lupang hinirang ay mistulang isang kahon na may iba’t ibang bahagi…
Nagmamasid sa paligid… pansing maingay, tahimik, magulo, payapa…
Sa likod ng kanyang isipan, alam niyang may mali at tama sa kanyang nakikita…

Pinagtatakhan kung bakit pag-imik, hindi lagi lagi…
Siya man ay maraming katanungan sa sarili…
Si Juan de la Cruz ba ay bulag, pipi at bingi?
Hmmmnnn…. Palagay, palagay, palagay, ito ay mali…

Makimasid tayo kay kabayang Juan… sa kanyang pag-ikot sa kanyang tambayan…
Ating ituon ang pansin sa mga napapansin nitong kuya na simbolo ng mamayang Pilipino…

Tapat…
Mga tapat na tagapaglingkod, meron din naman,
Sila ay yaong mga iniluklok sa makinang na upuan…
Nasilaw sa kislap nitong taglay, hindi man lang
Sila yaong sa pagbaba sa tungkulin…
…mananatiling payak ang buhay at kabuhayan,
Kung tututusin naman, ang sahod ay tama lamang,
sa pangangailangan ng pamilyang sinusuportahan…

Kalungkutan, kalungkutan, kalungkutan,
Sila yaong mga matuwid, buhay ay dagling nawawakasan…
Matatanggap pa natin kung binawian ng buhay sa paggupo ng karamdaman…
Masakit sa kalooban kung nabura ang kaluluwa at katawan dahil sa bala ng kalaban…

Ganid…
May mga ganid at mapag-imbot, tusong mga kawatan…
Sumumpang maglingkod…ngunit bakit nais nilang sila ang paglingkuran?
Sila yaong mga buwayang nakikita natin sa araw araw…
…kunwa’y napakalakas, nakaabang lamang ng susunod na mabibiktima…
Sila yaong mga baboy sa paligid…
…masiba, matakaw, maingay ngunit patulog tulog naman sa pansitan
Sila yaong mga alimango (pagandahin na natin)…
…bibihirang tumuloy ng paharap… laging patagilid maglakad…
…hila dito, hila doon, mauna lamang sa bawat pagkakataon…
Sila yaong mga ahas na di nagsasawa,
…Lilingkisin matapos kang mabuyo gamit ang matatamis na salita…
…Tutuklawin ka, kamandag ay kakalat sa kabuuan ng diwa…
Sila yung mga matsing… pakuya kuyakoy, pa baging baging
… sungkit dito, sungkit doon, lalo’t walang nakatingin…

 

Sa kanyang pagmamasid, si Juan ay biglang napaisip…
Ano kaya ang kanyang magagawa?
Si Juan na walang pangalan, walang karangyaan?
Iisa lamang ang taglay, kalayaang magmasid…
…at kalayaang magpahayag ng saloobing galing sa dibdib…

Bigyang laya ang tinig ni Juan de la Cruz!
Pasigaw man o pabulong…
Pagbitaw man ng salitang tumitimo…
Paglimbag man ng isinatitik na kaisipan…
May pagsang-ayon sa mga gawaing makabuluhan…
May pasaring sa mga gawaing puro katiwalian…

Si Juan de la Cruz ay likas na matapang,
Siya ay Pilipino, Pilipinong may paninindigan,
Hayagan ang kanyang pagbibigay puna
Matibay ang kanyang loob…
Malinaw ang kanyang tinta…
May tama ang bitaw ng salita…

Ang kanyang likas na mapanuring pananaw ay napupukaw
Sa tuwing may mga kagawiang nilalangaw…
Sa ganitong pagkakataon, si Juan de la Cruz ay napapabalikwas,
Dali-daling nakakapagbulalas, mga salitang sadyang dumudulas…
Tumama na kung tumama… ang mahalaga, sa isip at puso ito’y tumimo,
Dahil ang binaril at iginupo…tulad din nating tao,
Nagkakamali ngunit may pagkakataong magbago…
Kailangan lamang may magsabing “Hoy mali!”
At may magpaalalang, “Ito ang tamang gawi.”

Si Juan ay hindi Bulag , Pipi at Bingi…

Si Juan ay may karapatang sumigaw…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 6, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 3 Comments.

  1. Ito ang original… 500 words hahahah…sobra sa 350 words na required ng KM3…

    Anyway, napaikli ko naman… pero ang effect na gusto ko ay dala nitong original…

    hihihi!!!

    Ang sabi ng aking maestro, ang original na buhos ay laging mas maganda kesa sa edited hehehehe

    enjoy!

  2. sayang lumagpas sa limit ng bilang ang mga salita…

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: