Napagod ako pero…babaw ko talaga!

Ang haba ng araw ko ngayon, sobra…

Ang dami-dami-dami-dami-dami kong ginawa…

Nakakapagod… nakakaubos ng lakas

May mga kausap namang maayos,

Pag-uusap masayang natatapos,

May mga kausap namang makukulit,

Hmp…di makaintindi, ulo ko’y sumasakit!

Napagod ako ng husto, as in, hustong-husto!

Nararamdaman ko ang pagtibok-tibok ng sintido ko,

Ang dami kong ginampanang tungkulin, sari-sari na,

Boss, driver, isama mo na ang pagiging sekretarya…

Hayyy….ako ay biglang nalokah!

 

Hmmm, napagod nga ako pero….

Sa isang iglap nawala ito…

Sabihin nang ang cheezy ko….

Pero isang mensahe ang sa aki’y nagpangiti,

Wala namang laman, isang katanungan lang…

Pero masaya ang pakiramdam, pagod nalimutan…

Dahil naalala pala ako ng laman ng aking isipan…

 

(Ang babaw ng kaligayahan ko wahahahahahahahah!!!! kung sino ka mang iniisip ko, ang swerte mo naman, may lukaret na nag-iisip sa iyo… hihihi! Sorry kung matitisod ka ha? Boom!!!)

 

PS… hardin ko ito… walang basagan ng trip hihihihi!

 

 

 

 

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 6, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 12 Comments.

  1. ano kaya ito, “Wala namang laman, isang katanungan lang…” ?

  2. theworshipwarriorbride

    cheesy nga…hahaha…

  3. ang swerte nga nitong tao na ito..😀 hehehe. take care, Nay!

  4. di ko mawari kung sa aking pagbabasa ng iyong mga sanaysay… kailangan ko itong tulain.
    makabuluhan at may balangkas ang mga daloy ng iyong diwa

    sadyang kay-inam!

    ang nektar bagamat nakulapulan ng pait, wari sa panlasa koy lantay na tamis parin…🙂

    • Maraming salamat Haring Ibon!

      Ako ay natutuwa sa iyong napakagandang papuri…

      Natutuwa kasi ako sa ating sariling wika….

      Para kang idinuduyan sa pagpapahayag ng katha…

      Ikot ikot lang sa aking talaan, mga katha nawa’y swak sa panlasa ^_^

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: