Hindi kita miss…

Nakatingin sa laptop, gustong tumipa…

Madaling araw pa lang, alas sinko ng umaga,

May naalaala akong usapan sa oras na ito…

Hmmm… ngayon nga pala ay Linggo,

Wala ka sa iyong kalilinis lang na kwuarto,

Iniisip ko lang, namimiss mo kaya ako?

Kasi ako,  hindi eh, sorry, di kita miss…

Naiisip lang kita sa tuwi-tuwina,

Lambing at aliw, nagugunita…

Tingin lang ako ng tingin sa ating “pook tagpuan”,

Sinisilip kung ikaw ba ay mapapadaan…

Naghihintay, nag aabang na sakaling magparamdam

Ikaw na yata ang laman ng isipang nalalamlam…

Tama…tama…tama…. di nga kita na miss…

(Sa aking paggising, gusto kong ngumiti…

harapin ang panibagong araw nang may saya, hindi hapdi…)

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 2, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 18 Comments.

  1. Minsan, ang sarap lang tumitig sa kawalan, hindi nag-iisip, nakikiramdam lang….
    Pagkatapos, ihipan ang mainit na kape sa harapan, humigop ng dahan-dahan…
    Tumingin sa relo…late na naman!….Hay pagsintang pururot, kakaloka minsan….^_^

    • Masarap humigop ng kape at magmuni-muni…. Nakatingin lang sa kawalan at nag-iisip ng wala naman hehehe..
      May moment n ganito kung minsan, blanko lang ang utak na tila walang laman, di nag-iisip, wala lang… Hinahayaang ang “utak” magpahinga kahit saglit lang….🙂

      Masarap din siguro kung 4seasons nasa harapan. Ang kape lagi na lang😉

  2. Manul-nulat ng Bayan

    tama ka….hindi dapat hapdi bagkus ay pag-asa….kaygandang kaisipan….

  3. hindi mo sya namiss sori sya! ehehe..

    (Sa aking paggising, gusto kong ngumiti… harapin ang panibagong araw nang may saya, hindi hapdi…) yes u willl girl🙂

    • Hi Kayedee!

      Obvious bang hindi na miss? oo nga sorry na lang… ^_^
      (hahaha, miss na miss lang kaya!)

      Ang bawat araw ay mahalaga…anumang bigat ang ating dinadala….

      Ngumiti at sabihing,

      “I deserve to smile, I deserve to be pretty,
      I was created in God’s likeness..I deserve happiness…”

  4. theworshipwarriorbride

    “I deserve to smile, I deserve to be pretty,
    I was created in God’s likeness..I deserve happiness…”

    indeed you deserve it.🙂

    smile smile lang ate…

  5. sa tingin ko hindi ka rin niya miss, bagkus ay miss na miss rin. hmmm, ang pagbabalik ay abangan.

    • hmmm… alam kong di nya ako miss…ramdam ko ^_^

      Kaya nga…

      Tititig na lang sa kawalan, hindi nag-iisip, nakikiramdam lang….

      Pagkatapos, ihipan ang mainit na kape sa harapan, humigop ng dahan-dahan…

      Heaven ang pakiramdam ! ^_^

      Pagbabalik ay inaabangan ….

  6. “nang may saya, hindi hapdi…” – ahaha, di mo sya miss.😉

  7. Reblogged this on Chilledhoney's Blog and commented:

    Hmmmm….Hindi nga namimiss… bagkus ay miss na miss ^_^

  8. ayun nama npala o! hindi naman pala namimiss.. ehehehehe

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: