PANGAMBA…
Siguro minsan tayo ay kulang lamang sa pansin…
Kung ano ano ang sinasabi, kung ano ano ang isipin…
Minsan may batayan, minsan wala naman…
Pangamba sa dibdib, lubhang nararamdaman…
Sa ganang akin…
Malakas talaga ang pandamdam ng babae…
Ewan natin, pero parang may kamay na gumagabay…
May bumubulong na tumingin tingin ka dyan sa tabi…
May matutuklasang nagpapatunay ng pala-palagay…
May pangamba man minsan, matuto lang magtiwala…
Hindi lahat ng pagkakataon, ikaw ay nais niyang makita…
Minsan kailangan lamang maging panatag,
Wag magdamdam, upang ang pagsasama’y maging matatag…
Posted on June 1, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, STATE OF MIND. Bookmark the permalink. 10 Comments.
May isang napakalapit sa akin na nagpaalaala:
“Lahat ng sobra, masama”… hinay hinay lang!
^_^
woman’s instinct…most of the time tama hindi lang basta hinala. ^_^
Correct warrior, malakas ang pandamdam ng babae… ^_^
alam pag nagsisinungaling ang kausap hihihi…
si mama kasi astig ang “instinct”!!! hahaha…huli ang dapat mahuli…kaso nakakalungkot minsan huling-huli na nagsisinungaling pa…(ang pait!)
walang magnanakaw na aaming magnanakaw sya… its human nature… kung may pagsisisi sa huli at taos ito sa puso… pwedeng bigyang ng isa pang pagkakataon….ngunit kung ang paghabi ng kasinungalingan ay para nang cross stitch… pakawalan na…hindi worth the effort…^_^
kasi naman…haaayyy
kasi naman… ^_^
wag naman sana maging gagamba
sa paghabi-habi ng mga pangamba
siguro dapat kumuha ng pambura
upang pangamba ay tuluyan ng mabura.
pambura ay nabili na kanina sa halagang piso…
aking nang binura ang pangamba sa puso…
tama ang gagambang paikot ikot…
pangamba ay peding maghabi ng poot…
kung kaya’t pambura ay agad kinalahati, inalis ang salot…
pangamba ay binura, upang sa inis, aking buhok ay di makulot!
pangambang binura ay nais nang tuluyang mawala,
shoo, fear go away, you’re not welcome anyway….
^_^