NAKAKA…SAWA maging “Emo” :)

hmmm…

Nakaka…sawa naman ang maging “emo”…

Mabigat ang dibdib sa mga bagay na mahirap matanto…

Parang sasabog sa pagdala ng mga panggulong minsan ay kayhirap dalhin…

Masakit ang ulo sa mga isiping hindi mo masaklaw-saklaw…

Lumilikot ang isip sa mga mga mangyayaring di naman matanaw…

 

hmmm…

Nakaka…sawa ang maging “emo”…

Di lang sarili ang apektado

…Lahat ng iyong nasa paligid

…Lahat ng sa iyo ay umaasa

…Lahat ng sa iyo ay nakamasid….

 

Hayaang ang “Emo” ang magpaka “Emo” sa atin para di tayo maging “Emo” sa araw-araw…(hanudaw sabe ko?)

Ang taong di masyadong “Emo” ay napakagandang masdan….

Ang sumimangot… PANGET! PANGET! PANGET!

 

Note to this wonderful self (hehehehe):

“Sus Ginoo! Wag ka nang mag-emo jan ‘day, kay malaw-ay ka gid kaayo.. Smile… para gwapa lang bisan ang imo nga problema, ginapala, ginapiko!!!” 

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on May 29, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 3 Comments.

  1. ” Hay Diyos ko! wag ka nang mag-emo jan ‘Day at papangit ka ng husto…Smile…para maganda lang kahit ang iyong problema ay pinapala, pinipiko…” – yan yun ^_^

  2. Hmmm, ang bakas ha kitang-kita, bakas ng ilongga. Mabuti’t napagtanto mo na nakakasawa ang madalas na pagka-emo.Totoong nakakahawa yan parang isang “ngiti” nakakahawa rin, ang pinagkaiba lang ang “ngiti” dulot ay saya, ngunit ang “emo” dulot ay lumbay. Dun nako sa ngiti di ba.

    • hahaha…. Oo nga sa ngiti na lang, masaya pa ang bawat araw…. At sa bawat halakhak, ang lungs at ang heart ay nakaka exercise…. Tatagal ang ating buhay! galing galing! Yaan na yang problema ang mamurublema sa atin pagkat ang problema na pinuprublema ay magbibigay sa atin ng higit na problema (hanudaw sabe ko?) hihihi

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: