SULIRANIN…isa isa lang ha?… aking lambing…

Sakit naman sa “bangs”….mga sulirani’y muling nagsipag-hello

Anjan na naman ang mga panggulo, nagsisiksik sa isip ko

Dumating, sama-sama, di ba peding isa isa lang?

Kayo naman, mahina ang kalaban, ako’y nag-iisa lamang

Isa-isa, kayang lutasin, may taglay namang tapang

Ngunit wag naman “Full Choir” ang banat, “solo” lang,

Wag maligalig, wag maingay, maghintay ang iba

Ayos lang naman na kayo ay bumisita,

Sa bawat pagharap, aral na hatid aking nakikita,

Yaring puso at isip, tatag ang nakukuha,

Pero pakiusap, wag naman sabay-sabay,

Sige, kayo rin, baka ako ay sumablay…

“Isa isa lang ha?” Lambing ko sa mga suliraning ayaw lumubay…

Upang sa aking pagharap, “over you”, makamit ko ang tagumpay…

” Gusto ko lang ngumiti… alam kong lahat tayo ay dumadaan sa ganito at lahat ng ito ay lilipas din… God always provides, God  carries me through….I know, I believe because I see that there is only one set of footprints in the sand…” 

  ^_^

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on May 27, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 11 Comments.

  1. ano bang mga bagay ang nagpapasakit sa iyong “bangs”, na curious tuloy ako ba’t sabay-sabay. nagtatanong lang

    • Marami, kap…nag “chorus” ngayon… pero dont worry, iniisa isa ko naman… binigyan ko na nga ng number para pumila… may libreng juice pa habang nag-hihintay, para di mainip at magwala… ^_^ …

      • ‘wag naman may isang mainip sa pila at magpumilit na mauna…

        Yalla! Ngitian mo lang sila habang sila’y nakapila. Muling ngitian bawat isa at sabihing, darating din tayo dyan.😉

      • May makukulit na gustong mauna… ang sabi ko… di ko papansinin pag nagpumilit… ayun bumalik sa linya… ^_^ … isang matamis na ngiti lang ang katapat at paniniwalang lahat ng suliranin ay may nakalaang katugunan… kailangan lang nating makiramdam at magmulat ng kamalayan ^_^…

        By God’s grace and will… Everything will be well….

        Salamat sa pagbisitang muli, Froggy!

  2. theworshipwarriorbride

    HIS grace is more than enough, it is made perfect in our weaknesses kaya ayos lang ‘yan! hehehehe…😉

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: