Sa Isang Tunay na Nagmamahal….

sa isang tunay na nagmamahal,

pagpaparaya ay may dalawang kahulugan…
… sakit, dahil hindi nasuklian ang inihaing damdamin…
… saya, dahil alam mong sinta ay liligaya…

Sa akin lamang itong palagay,

di ba, mas magandang sa pagpapalaya ng dating nagmamay-ari ng puso…
kasamang paliparin ang mga alaalang kasama nito?

sapagkat ang pusong puno ay di magkakaroon ng puwang para sa bagong maninirahan… masikip, may magrereklamo…

sa paghahangad ng kaligayahan, linisin ang lagayan upang makapag-imbak ng bagong alaala… siksik, liglig at nag uumapaw…

[tugon sa pala-palagay ni G. Manul, na nagbigay ng makulay na palitan sa kathang isinulat ng isang matinik  na manunulat…. http://25pesocupnoodles.wordpress.com/2012/05/23/kulay-ng-maong-kumukupas-jeans-fade/ ]

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on May 27, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 2 Comments.

  1. “kasamang paliparin ang mga alaalang kasama nito?”
    Pasaway na alaala, ayaw lumipad…
    Lagi na lang nakapagkit…
    ‘yong alala na lang ang maiiwan. Di pwedeng kalimutan😦 di pwede ihagis kung saan. parang pilat. Wala nang maramdaman, bakas lamang ang naiwan…

    Pagmagaan na ang kalooban, kahit pa naalala ang nakaraan… May puwang na muli.. Maaari na muling mag-imbak ng bagong alaala.. Siksik… Liglig… Umaapaw… 😉

    • ^_____^

      Tama ka kaibigan…
      Pasaway ang alaala, sapagkat ito ay nasa ating diwa…

      Tunay ngang pilat ng nakaraan ay laging magpapaalala ng kabiguan…

      Ngunit ang paggaan ng kalooban ay pagpapakawala taling nakabigkis…
      Tali na nag-uugnay sa iyong nararamdaman sa nakaraang nais malimutan…
      Kapag ang tali ay binitawan, pakiramdam ay magiginhawaan….
      Maari na uling mag imbak ng bagong alala… siksik, liglig at umaapaw….

      Napakaganda ng iyong mga kaisipan ^_^…

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: