Papayagan bang ang minsang lumayo, sa puso ay muling manahan?

Sa pagsusumamo at pagnanais bumalik ng isang kaluluwang minsan ay umalis

Ang katanungan… papayagan bang ang minsang lumayo, sa puso ay muling manahan?

Kung ang sagot ay OO, ihanda ang sarili sa paglimot ng karanasang masakit,

Wag nang balikan, wag na paulit-ulit
Ilahad ang bisig, yumakap ng mahigpit, pagmamahal ay pagbigyan, dapithapon man ng buhay ay sumapit…

Kung ang sagot ay HINDI, bigyang laya ang kalooban,
Masakit sa kanya at maging sa iyo rin naman,
Mas mabuting maging makatotohanan
Sapagkat puso at isipan ay magkakaroon ng kapayapaan…

Matagal na panahon man ang lumipas, wag itong panghinayangan,
Ang kasalukuyang Ikaw at Siya ay hinubog na bagong kaisipang bunga ng nakaraan…
Mas malawak na kaisipan, mas matatag na pandamdam…
Ang inyong mundo ay di mapipigilan sa pag-inog, kahit ito ay inyong pigilan…

It takes two to TANGO ( The Dance of Love – walang pangungusap, walang bilang, sumasaliw lamang sa tugtog, sa titig lamang nagkakaintindihan)

Ang binabalikan, kung magpapasyang tumanggap, nararapat lamang sa handang magsimula muli, walang panunumbat…

Ang bumabalik, sa pangakong magbabago, nararapat lamang na maging totoo sa kanyang salita, siya ay maging tapat…

Sapagkat sa pagsayaw sa buhay ng magkasama, naririyan ang pagmamahal at tiwala…kulay ng pag-ibig muling titingkad kung puso at isipan ay mag-iisa…

MARTIR mang matatawag ang iba sa atin…totoo yan, aking aaminin…
sapagkat tunay ngang minsan ang nagmamahal ng tapat
mas pinipiling maging bulag, pipi, at bingi sa lahat
Hindi natin sila mahuhusgahan dahil tayo man ay ganyan…
Mangyari kasi, mas malakas ang BULONG ng PUSO, kesa sa SIGAW ng ISIPAN…

(salamat crazyfrog sa katanungan at 25pesocupnoodles sa mga magagandang kaisipan…)

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on May 26, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 3 Comments.

  1. magmuni-muni…
    pakiramdaman ang tibok ng puso
    huwag iwaksi ang dikta ng isipan
    pagkat pag ang puso’t isipan ay nagtugma
    doon lubhang malalaman
    ng walang pag-aalinlangan
    ang tama at saktong sagot sa katanungan.

    ….pagpapalagay sa damdaming sana ay mapalagay, Cup.

    • hmmm….

      sa pagmumuni-muni aking napagtanto…

      mapapalagay lamang kung ang puso at isip ng nasa kabilang ibayo ay magtutugma din…

      Paalala…it takes two to TANGO… ^_^

  2. Pagdidiin….

    It takes two to TANGO ( The Dance of Love – walang pangungusap, walang bilang, sumasaliw lamang sa tugtog, sa titig lamang nagkakaintindihan)

    Tibok ng puso ay pinakiramdaman,
    Dikta ng isipan, sa pag sang-ayon ay pinakinggan,
    Puso at isip, sa sarili ay di nababahala, kaunting pagkagulumihanan…
    Mapapalagay lamang kung sa kabila ay kahalintulad na katugunan…

    Palagay ko lamang…maaring iba ang iyong palagay, o palagay ng karamihan…basta ito ang aking palagay na di mapalagay. hanudaw sabe ko? (^_^)

    Palipad lipad lamang sa madaling araw na biglang namulat…

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: