CHECK ANG “B-L-O-W-A-G” BAGO I-DRIVE ANG BUHAY

Upang maging ligtas ang biyahe sa buhay, ito ang mga kailangang ihanda bago tumakbo at magtagumpay…

B – Brake (preno)

Suriin ang preno, dapat tama lang

Hindi mataas, hindi mababa

Sa buhay, ano mang labis ay nakakasama

Matutong huminto kung hindi na tama…

L – Lubricant (pampadulas)

Oi wag green, di yun ang ibig kong sabihin

Hmmmnnn…upang maging swabe ang takbo ng buhay

Maging totoo, sa sarili at sa ibang tao man

Ayusin ang kaisipan, iwanan ang kalokohan…

O – Oil (langis)

Upang ang makina ng buhay ay gumana ng mahusay

Ang langis ay kailangang laging bantay-bantay

Malawak na pang-unawa, malawak na kaisipan…

Handang ngumiti kahit nahihirapan…

W – Water ( tubig)

Eto ay kailangang kailangan lalo na ngayong mainit

Cool ka lang pare, wag masyadong masungit

Magbuhos ng tubig ng tiyaga at pasensya…

Upang sa buhay ay di mag-over heat ( ikaw ay papangit! hahahah)

A – Air (Hangin)

Damhin ang samyo ng hangin, sa paligid ikaw ay tumingin

Di ba’t kayganda ng luntiang paligid, paghinga’y napakaginhawa…

Tulad din ng hangin ng buhay – ating Paniniwala sa Maylikha…

Di nakikita, di nahahawakan, ngunit laging andyan, kailan man kailangan….

G – Gas (gasolina)

Tara na at tayo ay umarangkada,

Makina ay haharurot kung angkop ang gasolina,

Paglinangin ang mga katangiang sa atin ay binigyang biyaya

Sa paligsahang mabuhay…tayo ay mangangarera….

Tandaaan sa pagmamaneho ng ating buhay…B-L-O-W-A-G wag kalimutan….

I am the Captain of my Fate, the “Driver” of my soul….. INVICTUS!!!

….mula sa inspirasyong ibinigay ng http://25pesocupnoodles.wordpress.com/2012/05/16/drayber-ng-buhay-cruisin-through-life/  tingin sa kanan…tingin sa kaliwa…salamat matinik na manunulat!

… at handog sa aking amang, di nagsasawang tuwing ako ay aalis… nagpapaalala… “Check mo muna ang BLOWAG”…🙂 … mahal kita ama… salamat salamat!

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on May 24, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 9 Comments.

  1. theworshipwarriorbride

    Upang sa buhay ay di mag-over heat ( ikaw ay papangit! hahahah)..hihihi…tama much!🙂

  2. mukhang isa kang matinik na drayber ng buhay kaibigan! BASTA DRIVER DAW SWEET LOVER! hahaha nakikisilip lang sa iyong magandang tahanan😀

    • BASTA DRIVER, SWEET LOVER…. I like that! Hmmmm pwede pwede! dahil ikaw ay nakakaaliw na bisita… ihahanda kita lagi ng espesyal meryenda…

      (wag kang maingay…. dati akong… driver ng tora tora…. yung de uling pa…. hahahahahhaha)

      • haha natikman ko na nga ang sinasabi mong masarap na handa… bawat salita sa munti mong tahanan ay talagang nakakapagpatulo sa aking laway! masaya rin ako’t nakapasyal sa munti mong sangtuwaryo😀

        • salamat sa pagbisita… Bibo

          aking akda… sumasalamin sa damdamin at kaisipan habang ito ay isinasatitik… may drama, may action, may romance at may comedy… ayoko lang ng horror…

          takot ako sa moomooh…🙂

  1. Pingback: Car Problem…Pag-ibig na Kakarag-karag « Chilledhoney's Blog

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: