KAPATAWARAN

“Kung ang pagmamahal ay wagas at kung ang puso ay tunay na nanghihingi ng pangalawang pagkakataon…. kapatawaran ay ibigay, samahan ng tiwala at paniniwalang ito ay pakakaingatan…”

Posted on May 23, 2012, in DICTATES OF THE HEART. Bookmark the permalink. 24 Comments.

  1. kung ang pagmamahal ay wagas sigurado akong may pangalawang pagkakataon, pero sinisigurado ko din na ang pagmamahal sa pangalwang pagkakataon ay may limitasyon na🙂 hi honey..

    • hi kaydee!

      minsan sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon, nabibigyan ang puso ng pagkakataong suriin ang kanyang kakayahang umunawa, tumingin at makiramdam kung siya man ay magpakukulang din…nagkakaroon ng pagkakataong kumilos ng naaayon at hindi pagkilos na itinutulak ang sintang lumayo….

      Ibinibigay ang pangalawang pagkakataon kung ang irog ay may taglay na taos pusong pagkukusa at determinasyong magsimula muli…

      Ngunit kung katangiang ito ay di nakikita… PRENO!

      Sapagkat ikaw at ang pagmamahal mo ay may mas maganda pang hinaharap… sa piling ng isang MAS KARAPAT DAPAT…yung kayang magsukli sa pagmamahal na kaya mong ibigay ng tapat…

      ang iyong pagbisita sa aking hardin ay taos puso kong pinasasalamatan… ikot ikot ka… baka sakaling isa sa aking mga akda, puso mo rin ay tamaan hehehehehe….

      • ika nga nila “HMMM – is sweeter the second time around”

      • Minsan nman.. infatuation lang pala! hindi nman tlaga gnun kadali makaalis sa bagay na nkasanayan mo.na.. pro kung ang nasira ay dahil sa tiwala. para ka lang nagpapatuloy magsulat sa isang papel na gusot na, makakasulat ka pa din pero hindi na kasing smooth ng dati :)))

        • salamat sa pagbibigay ng isa pang pananaw tungkol sa temang ito kaydee🙂

          tunay ngang di na maibabalik ang dating gaan ng turingan at dating ganda ng samahan

          ngunit sa pagsisimulang muli… kailangang ibaon ang nakaraang masakit at pagyamanin na lamang ang karanasang sa aral ay hitik!

          salamat! salamat!🙂

  2. Hanggang dalawang pagkakataon lamang ba ang kayang ibigay at kailangan sa pagtanggap? Kalabisan na ba ang ikatlo?
    ; naitanong lang po….

    Shalom Bb. Dvash(Honey)…😉

    • kalabisan na ang pangtatlo dahil kung bumalik at di pa rin napapakali… hindi na ikaw, bilang babaeng pinahahalagahan at iniingatan ang kanyang binabalikan kundi kung ano na ang meron sa iyo na hindi magiging matibay na pamantayan ng wagas na pag ibig… Salamat Froggy!!!

    • tila isang katanungan mahirap sagutin, ano kaya ang magiging tugon ng may akda.

      • Pigilin mo ako matinik na manunulat/ maestro/ kap… ang daldal na naman ng ballpen/ laptop ko…

        Haka haka at pala palagay ng may akda ay maaring sinasang ayunan ng marami, maari ring hindi….

        Kanyan kanyang karanasang humubog sa ating katauhan… pinaghuhugutan ng aral mula sa makulay na nakaraan…

        isang matamis na ngiti mula sa paruparong kaysiglang lumilipad sa bawat araw na lumilipas…:)

  3. Kung sakaling taon na ang binilang… Muling nagsumamo at nagnais na bumalik.. 
    Wala na bang pagkakataon dahil marami nang nasayang sa tagal ng panahon?
    ( ala! Q&A na hehehe)
    Nauugnay kasi sa kwento ng karamihan dito. =( 
    Ang reaction ko sa knilang kwento: MARTIR…. Ang nakakalungkot na part, sila na ‘yung nag-sacrifice, medyo sinisisi pa nila ang sarili nila.
    … Wagas yata silang magmahal weeeeeeeee..

    Napadaan uli.. Naghahanap ng pulot bago matulog😉

    • napakabigat naman ng mga katanungan…. hmmm, cguro frog para sa iyo yan, hihi…

    • ang pagkokak mo sa pagtatanong ah, parang pagsusulit, hirap sagutin.

    • Naku naaliw naman ako sobra sa iyo froggy! “Tanungan at Tugunan sa Hardin” hmmmm gagawa na nga ako ng site para dito hahahaha

    • Naku naaliw naman ako sobra sa iyo froggy! “Tanungan at Tugunan sa Hardin” hmmmm gagawa na nga ako ng site para dito hahahaha

      Teka… kailangan kong bumuntong hininga bago ko sagutin ang iyong katanungan tila ba sa kaibuturan ng puso nanggagaling…

      Isang “SIGH”…..

      Eto na ang laptop na madaldal:

      Sa pagsusumamo at pagnanais bumalik ng isang kaluluwang minsan ay umalis
      Ang katanungan… papayagan bang ang minsang lumayo, sa puso ay muling manahan?

      Sa aking palagay, kaibigang palakang hibang…

      Mangyaring magnilay nilay, namnamin yaring mga kaisipan…

      Kung ang sagot ay OO, ihanda ang sarili sa paglimot ng karanasang masakit,
      Wag nang balikan, wag na paulit-ulit
      Ilahad ang bisig, yumakap ng mahigpit, pagmamahal ay pagbigyan, dapithapon man ng buhay ay sumapit…

      Kung ang sagot ay HINDI, bigyang laya ang kalooban,
      Masakit sa kanya at maging sa iyo rin naman,
      Mas mabuting maging makatotohanan
      Sapagkat puso at isipan ay magkakaroon ng kapayapaan…

      Matagal na panahon man ang lumipas, wag itong panghinayangan,
      Ang kasalukuyang Ikaw at Siya ay hinubog na bagong kaisipang bunga ng nakaraan…
      Mas malawak na kaisipan, mas matatag na pandamdam…
      Ang inyong mundo ay di mapipigilan sa pag-inog, kahit ito ay inyong pigilan…

      It takes two to TANGO ( The Dance of Love – walang pangungusap, walang bilang, sumasaliw lamang sa tugtog, sa titig lamang nagkakaintindihan)

      Ang binabalikan, kung magpapasyang tumanggap, nararapat lamang sa handang magsimula muli, walang panunumbat…

      Ang bumabalik, sa pangakong magbabago, nararapat lamang na maging totoo sa kangyang salita, siya ay maging tapat…

      Sapagkat sa pagsayaw sa buhay ng magkasama, naririyan ang pagmamahal at tiwala…kulay ng pag-ibig muling titingkad kung puso at isipan ay mag-iisa…

      MARTIR mang matatawag ang iba sa atin…totoo yan, aking aaminin…
      sapagkat tunay ngang minsan ang nagmamahal ng tapat
      mas pinipiling maging bulag, pipi, at bingi sa lahat
      Hindi natin sila mahuhusgahan dahil tayo man ay ganyan…
      Mangyari kasi, mas malakas ang BULONG ng PUSO, kesa sa SIGAW ng ISIPAN…

      O ayan Froggy, sana nakatulong ako sa iyong “suliranin” na “suliranin ng ibang tao na hindi ko alam kung katulad din ng “suliranin” mo (HANUDAW SABE KO?) hahahahah
      Nag enjoy ako sa pagsagot… sige tanong pa hahahaha

      • isang lang ang masasabi ko, ito ay tunay na isang kaliwanagan sa puso’t isipan ng isang kaloobang nagnanais lamang mapalagay. Kokak.

      • P.S.

        “para sa ating lahat na hindi mapalagay”

      • salamat sa affirmation …🙂 maestro…

      • Kaibigang Cup: di yun para sa akin. Napag-uusapan lang😉
        Mukhang kahit ikaw ay naging interesado rin hihi… Tulad ba ng iba, ikaw ay may pinaghuhugutan rin =)).

        Kainaman magtanong sa hardin na ito. Madaming malasa at malagkit na pulot ang matitikman kung ika’y maliligaw rito.😉

      • Ang topic na ito ay laging nasa hapag kainan. Paulit-ulit na narining sa mga kasamahan sa bahay na halos pamilya n rin naman ang turingan. Nakakalungkot man ang sitwasyong kinasadlakan, tanging pakikinig ang kayang ibigay. Magbigay ng opinyon, hindi para sila’y diktahan kundi, pag-isipang ang maraming bagay. 

        Nakakalungkot lang.. Ang daming nasasaktan. Ang kanilang desisyon Lahat nakabase at nakadepende sa kalagayan (circumstances) ng buhay.. 

        ( kinopya ko ang mga katagang iyong binitiwan…;) Saka ko ipapaskil sa harap ng salamin. Kung sino man ang mananalamin, mababasa nila ang mensaheng  nais iparating. Haharap sa salamin, makikita ang nakapaskil at makikita ang sarili.
        Nawa’y sa pananalamin, patuloy na masalamin ang sarili. Pagnilay-nilayan ang mga dapat gawin at gustong mangyari…. )
         
        Salamat ms. Honey….🙂

      • Naku ang ganda naman ng papuri mula sa kaibigang palaka!

        Ang iyong tinuran para sa matinik na manunulat/ maestro ay mistulang guided missile na naka lock in (pag-usapan ba ang wala? hahahah)

        At dahil ito ay aking hardin… ako ay magbibigay ng aking palagay…

        DI AKO MAPALAGAY! hahahaha

        Nasarapan ka ba sa aking inihain? marami pang nakaimbak sa aking banga, feel free to indulge..

        Ika nga , “Thank you, come again (may smile yan ha?)

      • Kaibigang Froggy,

        Ika nga namin sa aming propesyon, ang pinaka mabisang tulong na maibibigay sa isang taong nalulumbay at nasasaktan ay ang PAKIKINIG (listening – it is the most therapeutic form of communication)

        Tama ang iyong ginagawa… umupo, ipahiwatig na nandyan ka lamang hindi sa salita kundi sa pamamagitan ng iyong presensya…

        Hawakan ang kamay ng nangangamba, hagurin ang likod ng nagdaramdam, pawiin ang nag uunahang luha…inuulit ko… walang salita…

        Sapagkat ang pagdurusa ay kasama sa proseso ng pagbabago… ito ay nagbibigay daan sa pagtingin sa sarili, sa nakaraan, at sa mga desisyon di napag isipan…

        Mapalad sila na ikaw ang kaibigan… hindi sa lahat ng saglit, may katulad mong nagmamalasakit…

        Natutuwa ako na ang aking katha ay iyong ipinaskil sa inyong salamin… katuparan ng pangarap ng isang manunulat na ang akda ay magkaroon ng kabuluhan…isang karangalang makatulong, kahit sa paggabay ng pananaw lamang…

        Naku mukhang seryoso na ang usapan hehehehe… sana sa iyong pag lundag lundag, ang stop over ay ang aking hardin at ang tambayan ng matinik na manunulat…maraming kathang swak sa iyong panlasa, seryoso man o minsan… wala lang🙂

        Ako ay di pa masyadong marunong umikot, naliligaw pa sa dami ng “detour” na aking nakikita…kaya ako ay nagpapasalamat sa iyong pagbisita🙂

        Salamat mulI Froggy friend!

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: