KAHILINGAN

Ngayon ko lang napagtanto,

Ang salitang “hiling” ay napakabigat,

Kung ito ay isang simpleng bagay lamang…

Sandali lamang maipagkaloob…

Ngunit kung ito ay may ibang dimensyon

May ibang lawak, may ibang kahalagahan,

Parang nagpaimbulog ka sa kawalan….

Di alam kung anong iisipin, di alam anong gagawin…

Gusto mong pagbigyan, ngunit andun ang pangamba…

Pangambang di mo alam kung ano ang kahihinatnan…

Gusto mong talikuran, ngunit andun ang panghihinayang…

Panghihinayang sa napakagandang nasimulan…

Tugon sa kahilingan ay inaabangan….

Hinihintay ang kapasyahan,

Nararamdama’y isasaalaalang…

Kahilinga’y pagbigyan, andyan na yan…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on May 23, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 1 Comment.

  1. sa aking pagbalik sa aking katha…
    sarili ay aking nakikita…
    hanggang saan, hanggang kailan…
    yan ang katanugang namuo sa isipan…

    katanungang walang kasagutan…
    dahil di natin hawak ang kinabukasan…
    ngunit sa aking sariling kakayahan…
    anumang meron ay pag-iingatan…

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: