lengwahe ng drayber, lengwahe ng sasakyan…

Sa gitna ng traffic, aking minamasdan,

Ang gaganda naman ng mga sasakyan…

Biglang…ting!!!!…isang katanungan…

Damdamin ng drayber, paano mo malalaman?

 

Sinubukan kong sa tingin sila ay sundan…

Baka sakaling, makita ko sa takbo ng sasakyan…

 

Ayun, kay bilis naman…

Liko dito, singit doon, lumilipad parang nasa karerahan

Maaaring drayber ay nagugutuman,

Nagmamadali nang sumugod sa hapag kainan!

 

Ayun, linya ay sinusundan…

Maaaring drayber ay baguhan

Takot umalis sa kanyang tinatakbuhan

Baka may mahagip, may masagasaan

 

Ayun, takbo ay di maintindihan

Walang preno, puro silinyador ang inaapakan

Maaring nagpupuyos ang kaloooban

Sa dahilang sya lang nakakaalam…

 

Ayun, ang bagal-bagal naman….

Mistulang namamasyal sa gitna ng lansangan…

Siguro ang drayber ay in lab?, nagmumuni muni

Di alintana paulit ulit na busina ng sasakyan sa huli…

 

Minsan, takbo ng sasakyan ay akin ulit na mamasdan… baka sakaling magsalamin…. damdamin ng drayber na lulan….

Ako din minsan ay ganyan …

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on May 22, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 3 Comments.

  1. Napangiti ako talaga dito. Magaling ka. Ipagpatuloy mo pa ang pagsusulat.🙂

  2. salamat pointless paranoia,

    papuri mo ay nagpangiti din sa akin, sobra… nakakatuwang isiping, ang aking akda ay nakapagbigay ng saya di lamang sa akin kundi sa iba pang manunulat na tulad mo…🙂

    madalas ako din ay “paranoia” pero hindi ito umaabot sa puntong ako ay nagiging “psychotic” ! hahahaha… katakot na yun….hmmmm antayin mo… magsusulat ako ng patungkol sa “pointless paranoia”… alam kong maraming makakarelate… kasi ganyan tayong lahat minsan…🙂

    aking therapy sa stress ay magsulat…as evidenced by:

    https://chilledhoney.wordpress.com/2012/05/20/di-ko-mapigilang-magsulat/

    Salamat at sana ikaw ay naaliw sa pamamasyal sa aking hardin!🙂

  1. Pingback: Car Problem…Pag-ibig na Kakarag-karag « Chilledhoney's Blog

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: