di ko mapigilang magsulat!

Di ko mapigilang magsulat!

Siguro dahil minsan, o madalas, wala akong makausap🙂

( ‘yung matino, may sense, o nakakasabay sa takbo ng aking utak… )

Siguro dahil masyadong maraming ideya sa aking isip…

Siguro dahil marami akong karanasang gustong ibahagi…

Siguro dahil marami akong agam agam na gustong mapawi…

Siguro dahil minsan ako’y ubod ng saya, minsan naman’y nalulumbay…

Siguro dahil ako ay mapagmasid, maraming napapansin…

Siguro dahil ako ay tagatangkilik ng pagbabago, nais kong suportahan ito…

Siguro dahil ako’y nasasabik na may nakikinig, may umuunawa…

Siguro dahil ang puso at isipan ko ay iisa pagdating sa panulat…

Masidhi ang damdamin, sumasabay ang kaisipan….

Buong katauha’y nagdiriwang sa bawat papuring natatanggap…

Sa bawat puna, isip ay kumakawala, lumilikot, umaalpas, lumilipad…

Siguro dahil tao lang ako… naghahanap ng kakampi, ng magmamahal…

Naghahanap ng mapagsasabihan ng mga suliranin, mabahagian ng mga pangarap…

Sa mundo ng panulat, bawat naisin, gaano man kahibang minsan, aking nagagawa…

Nagdiriwang, namimighati, nakakahinga, nakakabahagi, nangangarap, nagmamahal….

Walang humuhusga, walang nakikialam…

…di ko talaga mapigilang magsulat!

(sa nagsilbing “catalyst” ko sa bagong mundong ito… salamat ng buong puso sa iyo…)

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on May 20, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 2 Comments.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: