KAISIPANG BUONG LAYANG UMAAGOS…

 

sa akin ito ay tugmang tugma….
sa bawat maisip…dagliang tumitipa…
pilit hinahabol, agos ng salita…
bilis…bilis…baka makawala!

Isip at damdamin, pinaghuhugutang tunay,
mga kataga, mga titik na may sariling banyuhay,
minsan matalas, matalim, may dulot na anghang,
minsan nama’y magaan, nakakaaliw, pa-cute lamang…

kaisipang pilit umaagos, dagliang isatitik,
kunin ang laptop, wag magpatumpik tumpik
bugso ng kalooban, dagliang pakakawalan
malugod na ibahagi sa iba, abang karanasan….

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on May 19, 2012, in FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 8 Comments.

  1. Pangulo, napakaganda ng iyong tugma, sa palagay ko hindi lamang ito nagpapahiwatig sa iyong mga titik, kundi maging sa iyong nag-aalab na damdamin. Ang pagkakatugma ng panitik at ng iyong damdamin, pag iyong pinagsama maganda ang ipinahihiwatig.

    Sa pagkakataong ito, paumanhin sa pagtawag ko sa iyo bilang Pangulo. Karangalan ko ang iyong pagtugon sa isa sa aking pinakapaboritong katha, “Ang Isang Daan at Apat na Titik”…

  2. Naloka naman ako sa “Pangulo” na iyong tinuran…hahaha!

    Ang feeling ko, nauna akong tumakbo kesa pagdating ng halalan…
    Naisip lang, tila ata katuparan ng pangarap ay kaybilis naman (joke lang po!)

    Ako’y bumalik sa tugon na aking pinagkaabalahan,
    Ako’y nangiti, sumasang ayon sa tinuran,

    Maging sarili’y namamangha, sa kinalabasan ng kaisipan….🙂
    Maganda palang dire diretso lang… walang preno, walang alinlangan….
    Tunay na nagsasabay, paglakbay ng puso at isipan….

    Toda kap! na inspire ako ng “Ang Isang Daan at Apat na Titik”

  1. Pingback: Ano ang nasa isip? :) « Chilledhoney's Blog

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: