“Jologs” na connection

Ano nga ba ang tinatawag na “jologs” na connection?

Hayaan nyo akong mag muni-muni at nang mabigyan yan ng makabagbagdamdaming ibig sabihin….

Jologs….. pag bigla ka na lang nawala sa kalagitnaan ng mahalagang report….

Jologs…pag bigla kang na disconnect sa kasarapan ng kwentuhan ng mga katropa mo….

Jologs…pag nag dodownload ka…. at nasa 90 percent na, nadisconnect pa, ulit uli…

Jologs…pag nagli-live stream ka ng video o kanta, feel na feel mo na, biglang nawala…

Jologs…pag nagmamadali kang maghanap ng assignment, biglang nag expire ang unlisurf…

Jologs…pag feel na feel mo yung sinasabi mo sa kachat mong irog, na nag-aantay ng reply… matapos mong i-send… ang tanong nya… ano ang last message mo? hahahahah

Mula sa aking nakaka…Jologs na matinik na manunulat….:)

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on May 17, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 12 Comments.

  1. jologs pag puyat – grogi ang dating
    jologs pag traffic – buti may ka chat
    jologs pag nandiyan ang kataas taasan – busy busy han
    jologs pag nandiyan ang bulalaklak na matinik – maingay na naman….
    jologs pag fast drive na – wala ng signal
    jologs pag late sa office – di nakakabreakfast / 5-min shower bath
    jologs pag may kumaluskos – nakakakaba
    jologs pag pag antok na – bigla na lang nawawala
    jologs pag may evaluator – sa office ang tulog at ligo

    ako ba jologs din? yan ang tanong……

  2. hmmmmnnnn…. ang hula ko…oo minsan…:)… jologs pag lumamig na ang sabaw hahahaha…. salamat sa pagdugtong…

  3. “Jologs” maaring matagal na itong ginagamit ng karamihan ngunit ito ay bago sa aking kamalayan… nakakatuwa…nakakaaliw…aking napagtanto…may isang parte ng aking pagkatao na kayang umunawa ng lahat ng bagay o pangyayari na “jologs”…. isang parte na ngayon ko lang nakita at nakilala… dahil sa mga nakaraang panahon, ang aking buhay ay puro trabaho at bahay…seryosong tunay hahahahah….maraming salamat sa mainit na sabaw ng karunungan at kamalayan!

    • parang “bangs” lang.

      • “masakit sa bangs” ay isa rin sa mga expressions na matagal ko nang naririnig… ^_^

        Minsan kahit ikaw ay inis na inis na o galit na galit….may magandang sabihing “ang sakit mo sa bangs!”, ang tugon ng kaharap ay ngiti….

        Kesa magmura, ang tugon ay mura din… ang ending… rumble… ^_^ aray, masakit!

  4. Pahabol:

    Jologs din pala kung maganda nga ang connection at wala namang makulit…🙂

  5. theworshipwarriorbride

    ang…ang jologs pala kapag ang cheesy hahaha….

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: