Ang anyo nga ba ay panuntunan sa kaligayahan?

Ako ay napaisip, mas matayog pa sa lipad ng ibong tinatanaw….mas malalim pa sa karagatang minamasdan,

Minsan ko nang naitanong sa sarili… ang anyo nga ba ay mahalagang panuntunan ng kaligayahan?

Sa minsang kawalan ng gagawin, aking paligid aking minasdan…

Aking napagmasdan….

Isang babaeng may kapansanan, akay-akay  ng kanyang kasintahan,
Bakas sa bawat kilos at salita, may pag-aalala at pagmamahalan

Aking napagmasdan….

Isang lalaking patpatin at isang babaeng kaseksihan ay mistulang bote ng serbesa,
Nakakainggit ang matunog na halakhak, mga palad na magkahawak…mga matang nagtatama

Aking napagmasdan…

Isang babaeng kay ganda at isang mamang anyo ay nakakakilig sa porma
Parehong biniyayaan ng linguning anyo ngunit nagpapalitan ng maanghang na salita…

Aking napagmasdan…

Isang lalaking kay tikas at isang babaeng kay rikit,
Sa harap ng iba, sila ay “sweet”, kung bakit sa pagtalikod, sila ay sumusungit…

Ang tunay na damdamin ngayon ay aking naunawaan,
Wala sa anyo, wala sa tindig, wala sa katayuan….

Wagas na pagmamahal, nariyan, sa puso at isipan
Nag aantay lamang ng karapat dapat pag alayan….

Sa huli,  aking nais na ituran,

Hindi man makita ang anyong kabuuan,

Ibinubulong ng puso, di masamang pakinggan….

Kung ang takot sa kabiguan ay syang magiging hadlang,

Ganun talaga kaibigan, kasama lahat yan….

Ang mahalaga, minsan, naranasan mo ang wagas na kaligayan….

 

Sa makatuwid…

Ako’y natuwa, aking natuklasan,

tila mas nagtatagal ang samahan

kung ang anyo ay hindi siyang panuntunan…

(kasagutan sa pahayag isang magiliw na manunulat na tumutugon sa tawag na 25pesocupnoodles, “isang pag-sang ayon sa iyong mga layon, ngunit sa takbo ng pagkakataon tila siya’y hinde pa kailanma’y nakikita, maging nakakasalamuha.” )

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on May 12, 2012, in DICTATES OF THE HEART. Bookmark the permalink. 9 Comments.

  1. Pagdidiin:

    Hindi man makita ang anyong kabuuan,
    Ibinubulong ng puso, di masamang pakinggan….
    Kung ang takot sa kabiguan ay syang magiging hadlang,
    Ganun talaga kaibigan, kasama lahat yan….
    Ang mahalaga, minsan, naranasan mo ang wagas na kaligayan….

    “Hindi “anyo” (panlabas) ang pamantayan, kundi ang laman din ng kalooban, takbo ng isipan, at ang karakter ng taong pag-aalayan…”

    • Naku G. Manul…

      30 minutes na lang pala ang nalalabi… rush hahahaha!

      Ay nakita ko na ang alituntunin!

      Hmmmm…

      Kung inspirado… sasali

      Depende sa mood ^_^

  2. Ang tunay na nakakakilala ng damdamin ay ‘yaong mayron nito, mas mapalad ang taong iyon kung sa iba’y kaya niyang makaunawa.

    Wala sa panlabas na anyo dahil marami ang nagpapanggap. Kagaya ko.

    • Salamat sa paglipad lipad sa aking hardin G. Kulisap!

      Sang ayon, sang ayon, sang ayon sa iyong tinuran…

      Ang pusong tunay sa kanyang pagtibok ay nakakakilala ng damdaming ukol at bubukol…

      Ang damdaming wagas ay hindi nakabatay sa anyong panlabas…sapagkat sa paglipas ng panahon, ang anyo ay nagbabago…dumadami ang puting buhok sa ulo, nauubos ang mga ngipin, balat na ngayon ay makinis, nangungulubot…

      Ngunit kung ito ay di pamantayan, tumanda man ang magsing irog, ang sumpaan ay kaya pa ring ulit ulitin, hanggang sa sila ay maging uliyanin…kayang pa ring humalik, kahit nalalaglag na ang ngipin (hihihi) ^_^

      Pagdidiin:
      Ang pamantayang aking tinutukoy ay higit pa sa anyong namamasdan…

      Tama ka, marami ang mapagpanggap…
      Anyong kahali-halina, minsan ang ugali ay parang bulok na isdang umaalingasaw…

      Pagmamahal ay nasusukat kung ang katipan ay kayang tanggapin, maging ano at sino ka pa man…at kung ang pamantayan ay ganda ng kalooban at di ganda ng anyo lamang…

      Mapagpanggap ka ba, sa wika mo? naguluhan ako ^_^…

    • ako nga pala ay may katanungan….ang iyo bang patimpalak ay sanaysay lamang? hindi kasi ako sanay sa ganyang format… patula… pwede….

      • Sanaysay na di-pormal po kung maaari at iyon ang nasa panuntunan. Salamat

      • hihihi… Hindi ako sanay sa inyong format ng patimpalak, mukhang di papasok ang aking istilo… Maraming salamat na lamang po… Anyway, ang akda ay di masasayang, naipaskil na sa aking hardin🙂 … Ang aking istilo at panulat ay nagbibigay laya sa akin… Ok lang hindi na sumali… Hahaha…goodluck sa lahat! Go go go!

  1. Pingback: damdaming wagas ay hindi nakabatay sa anyong panlabas… « Chilledhoney's Blog

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: