magkumpare…

Pare 1:   hoy pare kumusta na ang mga anak mo? matagal tagal na rin tayong di nakikita ah!

Pare 2: Naku pare mabuti naman. Malalaki na sila. Ang panganay, nurse na. Ang pangalawa, yung inaanak mo, Physical Therapist na. Yung bunso, medyo naligaw eh, naging professional magnanakaw.

Pare 1: Naku pare, bakit hindi mo patigilin ang bunso mo? Mahirap yan.

Pare 2: Naku pare hindi pwede, siya ang breadwinner ngayon, siya lang ang may trabaho!

 

(Nung una, ito ay nakapagpatawa ng malakas sa akin. Joke time talaga. Nang aking balikan, ako ay nalungkot sa masakit na katotohanan… oo nga naman… sa hirap humanap ng trabaho ngayon, kahit ikaw ay lisensyadong propesyunal, ikaw pa rin ay mapapabilang sa samahan ng mga PAL – palamunin ng magulang or PMA – Pahinga Muna Anak…. Marami ang kumakapit sa patalim…Tsk Tsk Tsk… nakakalungkot )

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on May 11, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 2 Comments.

  1. tama ka, may tagong mensahe ang joke na ito, sa kabila ng kasiyahan, nariyan nagkukubli ang isa sa mabigat ng suliranin sa ating lipunan.

    sana naman ang mga taong naka-upo
    ay minsan din tumayo,
    ilaan ang talas ng isipan,
    sa solusyon sa ating lipunan,
    hindi lamang lagi-lagi,
    sa pansariling minimithi.

  2. sa aking pala palagay….

    Iyan ang masakit na katotohanan,
    May ilang yumayaman mula sa kaban ng bayan…
    Sa pagpapaunlad, ang madalas sibasambit,
    Sorry mga kapatid, wala tayong “budget”…

    Halimbawa na lamang ang kawalang pabibigay halaga
    Sa mga kababayang pagkakakitaan ay wala
    Tuwing may eleksyon, sila ay taimtim na umaasa
    Ngalang isinulat, magbigay nawa ng pag-asa…

    Ngunit sa patuloy na pagmamasid,
    Kawalang pagbabago’y kirot sa dibdib ang hatid,
    Kakaunti ang matuwid, naglipana ang mga ganid
    HIndi alintana malawakang paghihirap sa paligid….

    Sana sa panulat na ito, puso ay kumawala,
    Mata ay imulat, determinasyon ay mag alab
    Sa pluma ni Rizal, Pilipino ay nagkaisa
    Sa gabay ng mga mapagmasid, tayo ay magsalita.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: