Kwento lamang

sa minsang paghahanap ng kanyang maisusulat,

sa hardin na makulay, namasyal ang manunulat,

nakita niya ang isang paru parong napakailap

sinusundan-sundan, minamasdan-masdan….

ang paru paro ay likas na makulit

ikot nang ikot sa harding maliit,

habulin mo ako, tila kanyang sinasabi,

matinik na manunulat ay nabibighani…

sa paglipas ng araw, manunulat ay nag-abang

sa wakas, kanyang nahuli paruparong lumilipad

doon nagsimula ang kanyang makulay na panulat

tungkol sa paru parung marikit ngunit mailap…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on May 11, 2012, in DICTATES OF THE HEART and tagged , , , . Bookmark the permalink. 2 Comments.

  1. ano nga ba ang gamit
    manunulat na makulit

    wala namang lambat na bitbit
    ngunit siya’y napasabit

    tangan ay mga sambit
    sambit na mapang-akit

    sa isang paro-parong marikit
    na lubhang nakaka-akit

  2. (nakakatuwa naman…. dugtung-dugtungan…lalong gumaganda ang patutunguhan….)

    Sa pag-ikot ikot ng paru parong marikit
    mistulang kung titingnan ito ay kumakandirit

    Lumilipad pataas, lumilipad pababa
    Sa pagsunod ng mata ng isang makata

    Inspirasyong dulot ay nakakapukaw
    Tila batang gustong magtampisaw

    Sa pagninilay nilay ng matinik na manunulat
    Ang paru paro ay tila ba nanghihikayat

    Umikot-ikot sa harding mapang akit
    Hatid ay ngiti sa labi ng isang malalim mag isip….

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: