Tinig…
(Nakakalungkot na pagpapahayag, tila ako ay nakasama sa paglalayag)
Ang lungkot naman ng tinig…
Nakakainis… nakakalumbay… nakakahawa….
Mabuti na lamang ang kanyang mga binibitawang kataga,
Paalalang hindi lamang para sa isa kundi para sa lahat…
Sa kabila ng kalungkutan na nadarama
Sa bawat bigkas ng salita
Tinig ay ninais marinig muli
Ngiti ang maaring isukli…
–
Tinig nagpapaalala sa oras na hawak…
Tinig na narinig, tinig na kay sarap sa pandinig,
Tinig nag papaalala, oras ay mahalaga,
Tinig nangungusap, kasabay ang paglingap,
Tinig nagbibigay saya, sa mensaheng dala-dala….
–
Tinig magaan, parang dumuduyan
Tinig may damdamin, pilit sumasalamin,
Tinig na narinig, nagpapaaalaala ng pag-ibig,
Tinig at mensahe, makakasama sa aking pagbiyahe….
Posted on May 7, 2012, in DICTATES OF THE HEART. Bookmark the permalink. 1 Comment.
bagamat malungkot ang tinig, natitiyak na ito’y punong-puno ng pag-asa at paghahangad ng pagbabago. hindi pa naman huli ang lahat. at ang kagandahan doon batid niya ang mga bagay na dapat bigyan ng pansin at dapat na ayusin, katumbas ng pagpapaunlad at pagsasa-ayos sa sariling niyang pagkatao.
magalak ka pagka’t ito’y nabuo upang magpa-ala-ala na kailangan ng mga pagbabago at pagsasa-ayos sa mga maling gawi.