MALAS KA BA? HUWAG MAWALAN NG PAG-ASA…

(Tumingin sa salamin, kawangis mo ay nariyan, kasama sa kalungkutan at kasiyahan)

Sa palagay mo ba MALAS ka?
Huwag mawalan ng pag-asa, baka nga mas swerte ka pa…
Nais kitang ipakilala sa aking kaibigang si Maria…
Sa dami ng kanyang pinagdaanan… di akalaing may hapdi at kirot ang mga ngiting  napakagandang pagmasdan..

Naging alipin ng alipin habang ipinagkatiwala sa mga kamag anak sa probinsya …
Sa murang gulang, natutong maghanap buhay makatawid lamang…
Napilitang mag aral at magtrabaho habang nasa kolehiyo…
Muntik nang hindi makapagpatuloy, paminsan nang naranasan…
Nag- asawa sa kabila ng pagtutol ng mga magulang…
Itinakwil, pinalayo… inalisan ng karapatan…
Muntik pang bawian ng buhay nang unang magsilang…
Hinusgahan at pinulaan ng mga taong walang magawa kundi magkwentuhan…
Sa trabaho, sa taglay na sipag, siya ay lubhang kinaiingitan….
Nakipagsapalaran sa Maynila, seguridad ng trabaho sa gobyerno kanyang iniwan…
Dahil nagsisimulang muli, napilitang makipanirahan sa mga kamag anakan…
Sama-sama, nagsisiksikan, sa isang maliit na tulugan….
Kabiyak ay di naging matuwid, tahanan ay nilisan…
Mas pinili ni Maria na masira ang tahanan kesa mawala ang kanyang katinuan…
Natutong makibakang mag-isa upang buhayin ang mga supling…
Bigas at ulam sa kapit bahay ay naranasang humiling…

NGUNIT…. DATAPWA’T…. SUBALIT….

Sa kabila nito….

Si Maria ay naging matatag….
Hamon ng buhay ay kanyang hinarap…
“Pasasaan ba at ang problema ay malulutas?”
Ni hindi siya nagdamdam sa nga taong humusga sa kanya…
Ni hindi niya pinag-isipan ng masama ang mga taong umalipusta…
Ni hindi siya nagdamdam sa kawalan ng pagpapahalagang ipinakita sa kanya…
Ni hindi siya nagpakita ng kawalan ng respeto sa mga taong nagpahirap sa kanya…

BAGKUS…

Siya ay nagsikap, nagtiwala sa kanyang kakayahan…
….Kakayahang kanyang ginamit upang siya ay magtagumpay sa ano mang larangan…
Siya ay natutong magpahalaga sa kanyang kakaunting puhunan…
…Puhunang ginamit upang itawid ang kanyang mga anghel na naiiwan sa tahanan…
Siya ay nakisama upang siya ay mabigyan ng karagdagang karanasan…
…Karanasang nagpatatag sa kanyang kalooban, nagpa-alab ng kanyang  paninindigan…
Siya ay nanalig sa Maykapal na siya niyang naging takbuhan habang luha ay pinakakawalan…
…takbuhang ni minsan, hindi niya naranasang iwan siya sa kawalan…

Tulad ni Maria, may “choice” ka kapatid….

Sumuko o Lumaban?

Nasasa-iyo ang kasagutan….

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on May 5, 2012, in KARANASAN. Bookmark the permalink. 6 Comments.

  1. Pagsusumikap.
    Pagbangon nung nadapa,
    Pagbangon nung libakin ng kapwa,
    Patuloy na pananiniwala sa PAG-ASA.
    Pagpapakumbaba at pananatili ng magandang kaloobang taglay.
    Pagkapit at pananalig ng walang bahid na pagdududa sa Maykapal.

    -mga kahanga-hangang katangian ni Mariang tinataglay.
    -Kahanga-hangang katatagan sa pagharap sa buhay.
    🙂

    • Salamat Crazy Frog sa pagbibigay ng kabuuang larawan ni Maria… ang mga aral mula sa kanyang pakikipagsapalaran ay nawa’y magsilbing halimbawa at pag-asa sa mga taong nakakalimot na sila man, sa kabila ng pagluha at pagdurusa, ay patuloy ding ginagabayan ng Maykapal at binigyan ng mga kakayahang mapagtagumpayan ang mga pagsubok sa buhay… salamat sa pagsubaybay sa aking tambayan 🙂

  1. Pingback: Operant conditioning (matutong umiwas sa nakakasakit sa atin) « Chilledhoney's Blog

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: