Ako ay Huwag Subukan

(Damdaming nangangalit, huwag subukan, magdurusa nang paulit-ulit)

 

Nagmamasid, kaluluwa’y nanahimik,

Pinipigil ang sariling maging mabagsik,

Hindi lumalaban, pagpapalampas ang kadalasan…

Ayaw ng kaguluhan, gusto ang kapayapaan…

Alam na sa mga salitang bibitawan,

May mga damdaming masasaktan…

Pakiusap… kaluluwa’y huwag subukan…

Tao lang ding pagpipigil ay may hangganan…

Gaano man kataas ang pinag aralan…

Gaano man kabuti ang kalooban…

Kung pagpipigil ay pilit pinapakawalan…

Maaaring pagmulan ng kaguluhan….

Pakiusap…ako ay huwag subukan…

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on April 30, 2012, in STATE OF MIND and tagged , , . Bookmark the permalink. 6 Comments.

  1. mabuting sa iyong pag-alab ay salita ang bitiwan, kesa gamitin ang iyong pagiging “marksman”, hehe lubhang nakakatakot. nakaka….

    • minsan, sa bugso ng damdamin, mas nakabubuting ito ay ibulalas na lamang…. matalim man ang mga salita…ito ay tatama sa puso ngunit lilipad sa hangin…. kesa gamitin ang cal 45…kapag ang bala ay lumipad na… siguradong malaki ang pinsala….maari kang damputin sa kulungan hahahahaha!

  2. tama! nakaka… takot talaga… ngunit sa isang banda… mga masasakit na salitang binitawan ay maaring tumitimo sa isipan… puso ay nagdaramdam lalo na’t kung ito ay kasinungalingan….salita at bala ay parehong makaksakit…. tsk tsk tinapay na lang kaya ang ibato? samahan na lang ng palaman 🙂

  3. queenelizabethaneworbabethbabeth

    tama… “wag subukan ang mga taong nanahimik” … kc baka pagsisihan ang minsan….

    • wow ate, nasa WP ka rin pala!!!

      Very nice!!!

      I will follow your blogs, promise!

      oo wag subukan ang taong mahaba ang pasensya…

      Kasi pag napuno ang salop,

      ito ay kanyang kakalusin ^_^

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: