Nakatawa…Nakatulala…Bumubuntung hininga

(Pare-pareho lang tayo, minsan, walang pinagkaiba, mahirap man o mayaman…)

Tingnan mo nga naman,

Ako ay napagdaan sa kanto,

Bibili sana ako ng puto,

Kung bakit natawag ang aking atensyon.

Sa tatlong magkakaibang reaksyon…

Isang nakatawa, isang nakatulala, at isang bumubuntung hininga….

Ako ay tumigil, nagmasid ng panandalian….

Ano kaya ang kanilang iniisip?

Ang aleng nakatawa ay tuwang tuwa,

Napakaliwanag ng kanyang mukha,

Magandang balita kaya sa kanya’y naihunta?

O may nangyaring sa kanya’y lubos na nagpaligaya….

Ang mamang nakatulala ay nakatingin sa kawalan…

Di alintana ang lahat ng nagdaraan…

Maaring sa lalim ng suliraning kanyang iniisip,

Nakakakita siya ng kasagutan sa hanging umiihip….

Ang tinderang bumubuntung hininga ay tila balisa…

Maaring sya ay nalilito sa kanyang mga nakikita

Ang gulo gulo kasi ng mga tao sa kanyang paligid…..

Kanya kanyang salita, kanya kanyang pambubulid….

Sa lahat ng ito, nahaplos ang aking isipan….

Ang mga reaksyon nila ay reaksyon ko minsan…

Hindi nga lamang sa parehong dahilan….

Hindi nga lamang sa parehong paraan…

Kaya’t sa aking muling pagpapatakbo ng sasakyan,

Ito ang naiwan, naglaro  sa aking magulong isipan…

Pareho pareho lang pala tayo paminsan minsan….

Naghihikahos man o nagrarangyaan….

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on April 29, 2012, in KARANASAN. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: